33.4 C
Manila
Monday, June 23, 2025

Most wanted person timbog sa Valenzuela

Kulungan ang bagsak ng isang lalaki na may kinahaharap na kasong attempted murder, matapos ang halos walong taon pagtatago ay nalambat sa  isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

  Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado na si Milanio Baluyot, 39-anyos, residente ng Area 3, Bukid, Pinalagad, Brgy. Malinta.

 Sa ulat Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Cpt. Ronald Sanchez ng manhunt operation kontra sa wanted persons na nagresulta sa pagkakahuli sa akusado sa kanyang bahay bandang 11:40 Huwebes ng gabi sa Area 3, Bukid, Pinalagad, Barangay Malinta, Valenzuela City.

BASAHIN  3 timbog sa Malabon buy-bust, baril at P175-K shabu, nakumpiska sa Malabon 

Si Baluyot ay may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Emma C. Matammu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 269 ng Valenzuela City noong November 27, 2015 para sa kasong Attempted murder.

 Pansamantalang nakakulong ang akusado sa costodial facility unit ng Valenzuela police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte

BASAHIN  Pulis hinuli ng kabarong MPD sa kasong homicide

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA