33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Hepe ng Rodriguez Police sibak sa ‘mistaken identity’

Sibak na sa tungkulin bilang pagtugon sa command responsibility ang hepe ng Rodriguez Police  matapos pumalpak ang kanyang tauhan sa pagbarik sa isang 15-anyos na binatilyo na umano’y ‘mistaken identity’.

Matapos ang ginawang masusing imbestigasyon ng Rizal-Philippine National Police (PNP) sa umano’y ‘mistaken identity’ sa napatay na 15-anyos ng pulis na si Police Corporal Arnulfo Gabriel Sabillo, ibinaba na ang relieve order kay Police Lieutenant Colonel Ruben Piquero bilang Chief of Police ng Rodriguez, Rizal Ipinalit sa posisyon si Police Lieutenant Colonel Arnulfo Silencio, na uupo bilang officer-in-charge ng Rodriguez Police.

Matatandaang,  naganap ang pamamaril noong August 20, 2023 bandang 12:01 ng madaling araw sa Blk 119, Phase 2, Southville 8B, Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal na ikinasawi ni John Francis Ompad, 15-anyos, na kung saan ang target ay ang kapatid na si John Ace Ompad.

BASAHIN  298 RMFB na dinala sa BARMM, binigyang parangal

 

Pauwi na umano si John Ace nang harangin nina PCpl. Arnulfo Sabillo, nakatalaga sa Community Police Assistance Center (COMPAC) #5 ng Rodriguez Municipal Police Station (MPS) at kasabwat na Jeffrey Beluan Baguio, residente ng Brgy. San Jose Rodriguez, Rizal, sa isang  checkpoint.

 Hindi umano nagtanggal ng helmet si John Ace at tumakas pa kaya imbes na habulin ng pulis ay pinaputukan umano na siya namang paglabas ni John Francis sa kanilang bahay at tinamaan ng bala na para sana kay John Ace.

Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ang biktima sanhi ng tama ng bala ng baril sa tiyan.

BASAHIN  P2-M halaga ng shabu nasakote sa bagong tulak ng Pasig

Base sa normal na proseso ng pulisya, nagsagawa ng fact-finding investigation para makakuha ng mga sapat na ebidensya at testimonya para sa kaso.

Kasalukuyang nakakulong sina Sabillo at Baguio  sa Rodriguez MPS Custodial Facility.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA