33.4 C
Manila
Monday, April 21, 2025

Abalos, suportado ang pagsibak sa Mandaluyong police chief

NAG-VIRAL kamakailan sa social media ang pagsibak kay PCol. Cesar Gerente, matapos itong
mag-positibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.


Sa opisyal na pahayag ni Interior Sec. Benhur Abalos, sinabi niya na sinusuportahan ng DILG o
Department of the Interior and Local Government ang pagsibak kay Gerente para malinis na ang
hanay ng pulisya sa drug-users.

Idinagdag pa niya na ang supresang drug-testing sa ating kapulisan ay kaugnay ng polisiya ng
ating pamahalaan na maging drug-free ang buong bansa at mapanatili ang pinakamataas na
standards sa hanay ng pulisya.


Binati ni Abalos si PCol. Mary Grace Madayag bilang bagong hepe o officer-in-charge ng
Mandaluyong.

BASAHIN  20 sugarol nalambat sa QC


Samantala, inutusan ni Abalos ang PNP na magsagawa ng mahigpit na pagsusuri o drug tests
bago magsumite ng pangalan bilang permanenteng kapalit ni Gerente.


Tiniyak ni Abalos sa publiko – lalo na ang mga taga-Mandaluyong – na ang DILG at lokal na
pamahalaan ay patuloy na magsisikap para magkaroon ng mapayapa at mas maunlad na
hinaharap.

BASAHIN   P81-K  shabu nasabat sa tulak ng Valenzuela 

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA