33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Trabaho para sa seniors, isinusulong ni Tulfo

AHENTE ng punerarya, insurance, pre-need plans, atbp.


Ito kadalasan ang mga trabahong pwedeng pasukin ng isang senior citizen sa bansa.
Dahil sa karaniwang trabaho, may age limit, kadalasan 35-40 years old o mas bata pa,
depende sa posisyon.


Ayon kay ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, kapag naisa-batas ang House Bill No. 8971, dapat
maglaan ang mga kumpanyang may 100 kawani pataas, ng one percent para sa hiring
ng seniors.


“Dapat may isang senior citizen kung may 100 empleyado ang naturang kumpanya o
government agency”, paliwanag ni Tulfo.


Bibigyan daw ng mga insentibo ang mga kumpanya na may empleyadong senior
citizens.


“Marami tayong mga senior citizens na gusto pang magtrabaho pero wala na gustong
tumanggap dahil sa kanilang edad pero kaya pa namang magtrabaho at ayaw nilang
manatili lang sa bahay”, pahabol pa ni Tulfo.

BASAHIN  Graft case vs. Arroyo, walang basehan – Topacio


Sa Amerika, hindi problema ang edad para makakita ng regular na trabaho, basta ang
isang senior ay malusog, kwalipikado, at gustong magtrabaho.


Ayon sa Voice of America noong nakalipas na mga taon, si Loraine Maurer ang isa sa
oldest employee sa mundo, nag-retire siya sa edad na 94, matapos ang 44 years na
tapat na paglilingkod sa McDonald’s sa US, na nagsimula pa noong 1970s.


Sa Pilipinas, kailangang mag-retire ang isang kawani sa edad na 65 o mas bata pa, sa
ilang pribadong kumpanya. At halos imposibleng makakita ng regular at hindi sales job
ang seniors.


Ayon kay lolo Igme, isang dating amateur boxer na nasa kanyang early 60s, sana
maisabatas kaagad ito para muli siyang makapag-trabaho.

BASAHIN  Taiwan nagkaloob ng 2-K MT ng bigas sa Pilipinas

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA