33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Burn ward ng Cainta Hospital, handa na

SINABI ni Cainta Municipal Administrator Keith Nieto kamakailan na naglagay sila ng
burn ward sa Cainta hospital para sa mga biktima ng sunog, para hindi na dalhin sa
malalaking ospital ang pasyenteng nasunog ang katawan.


“We set up a burn ward in our hospital so that there’s no need for our fire victims to be
taken to big hospitals. We have two patients in the burn ward now. There was a fire in
Brookside last week. They both sustained second degree burns,” dagdag pa ni Nieto.


Ayon pa kay Nieto, sinabi ng plastic surgeon ng munisipyo na kailangang nilang mag-
renta ng “dermatone skin grafter” para magamit sa mga pasyente.

BASAHIN  Cainta LGU namigay ng fruit kiosk sa mga street vendors


Dahil sa rentang P33,500 bawat paggamit, na shock daw si Nieto, dahil gagamitin ito
tuwing dalawang hanggang tatlong araw. Wala raw pera ang mga biktima ng sunog
para ma-afford ito.


Dahil dito, bumili ang Cainta LGU ng dermatone skin grafter para hindi na mag-renta
ang huwag nang maipasa sa mga pasyente ang malaking gastusin sakaling gamitin ang
machine na ito.


Kaugnay nito, sinabi ni Nieto na dumating na ang kanilang binili na bagong 16-slice CT
Scan na magagamit din sa Cainta Hospital.


Tiniyak ng pamahalaan ng Cainta na libre ang paggamit ng mga nabanggit na aparato,
isang katibayan na handa ang Nieto Administration na paglingkuran ang mga
nasasakupan sa abot ng kanilang makakaya.

BASAHIN  Munti, kinilala ang top 10 taxpayers sa lungsod

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA