33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

21M students ready na sa klase

Ready na ang nasa 21,029,531 milyong mag-aaral na pumasok sa kani-kanilang paaralan sa Martes, August 29 para sa school year 2023-2024 ng lahat ng public, private school at state universities and colleges  (SUC) sa bansa.

Batay sa huling datos ng Department of Education (DepEd) mula sa Learner Information System (LIS) Quick Count para sa SY 2023-2024, nasa 21,029,531milyong mag-aaral na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro para sa darating na pasukan ng klase.

Kumpara ito sa 28,035,042 mag-aaral naman naka-enroll noong nakaraang taon kaya inaasahang madaragdagan ito ngayon school year 2023-2024 at hanggang sa August 29 ang huli bilang ng enrollment.

BASAHIN  90% sa mga bata, hindi makabasa - Gatchalian

Pinakamarami ang nakapagpatala sa Region IV-A (CALABARZON) na umabot sa 3,323,943 sinusundan ito ng NCR na nasa 2,437,041 mag-aaral na naka-enroll at Region III na may bilang na 2,394,421 enrollees.

Sinabi pa ng Deped na nagsimula na ang klase sa mga pribadong paaralan.

Samantala, maaari namang mag-enroll ng Alternative Learning System (ALS) sa kani-kanilang barangay community learning center o sa malapit na public school.

BASAHIN  Magna carta for PS Teachers, ihahain ni Gatchalian

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA