MAGBUBUKAS ng 1,200 na mga bagong trabaho sa Subic, Zambales ang Chinese bag
maker na DXHIC bago matapos ang taon.
Ito ay bahagi ng expansion project ng kumpanya sa Southeast Asia, ayon kay
Department of Trade (DoT) USec. Ceferino Rodolfo.
Ayon pa sa DTI ang DXHIC ay magsu-supply ng top international brands ng bag sa
Europe at maging sa iba’t-ibang bansa.
Sa katapusan ng taon, aabot sa 5,000 ang kabuuang kawani ng kumpanya, kapag
nalagyan na ang 1,200 bakanteng posisyon.
Sa ngayon, under construction ang pasilidad na gagamitin, na lalagyan ng
pinakabagong machinery para sa episyenteng produksyon at kaligtasan ng mga
manggagawa.
Ayon kay Sloan Shao, isa sa mga imbestor ng proyekto, ang strategic advantage ng
Pilipinas sa ASEAN at China Greater Bay Area, pati na ang ating mahuhusay na
manggagawa, ang mga pangunahing dahilan para palawakin pa ang pagnenegosyo ng
kumpanya sa bansa.