‘Work and play’ visa ng Australia, Pilipinas

Share

PWEDE nang magtrabaho habang nagbabakasyon!


Ito ang pinagkasunduan ng gobyerno ng Pilipinas at Australia, matapos mapag-usapan ang pag-i-
issue ng multiple-entry visas sa kani-kanilang mamamayan na nais magtrabaho habang
nagbabakasyon.


Ang kasunduan o memorandum of understanding (MOU) ay nilagdaan nina Department of Foreign
Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo at Australian Ambassador to the Philippines Kyong Yu sa
Malacañang. Ito ay kasabay sa ginawang official visit ni Australian Prime Minister Anthony
Albanese sa bansa nitong Setyembre 8.


Ayon sa MOU, bibigyan ng multiple entry visa na hindi lalampas sa 12 buwan o isang taon, ang
mga turistang Pilipino at Australians na nais magbakasyon at magtrabaho, para masulit ang kani-
kanilang gastos.

BASAHIN  82% ng kikitain ng NAIA, ibibigay ng SMC sa gobyerno


Open o bukas ang “work and holiday visa” para sa mga Pilipino at Australians, edad 18-31 na
college graduates o kaya ay nakakumpleto ng dalawang taong college education o post-secondary
education.


Pwede lamang makapagtrabaho ang may “work and holiday visa” sa loob ng panahon ng kanilang
pagbabakasyon.


Kailangan ding matugunan ng bawat aplikante ang mga kahilingan ng bawat gobyerno sa aspeto
ng kalusugan, national security, at karakter. Mandatory requirement din ang pagkakaroon ng
medical insurance na epektibo sa buong panahon ng kanilang pagbabakasyon.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

₱2.5-M: Bawat entry sa Puregold CinePanalo FilmFest

BONGGA ANG SAYA! Ito ang nadarama ngayon ng 31 film directors matapos makatanggap ng ₱2.5 milyonbawat isa bilang film grants mula sa Puregold supermarket chain. Magtutunggalian...