Nalambat ng mga tauhan ng Substation 2 Taguig City Police Station ang isang 25-anyos na factory worker matapos magdala ng baril at palakad-lakad sa kahabaan ng Bagsakan Road, Brgy Western Bicutan Taguig City.
Inaresto si Jerico Corus sa illegal na pagdadala ng cal. 38 pistol na may lamang apat na bala bandang 11:55 Linggo ng gabi na kung saan ay kinatatakutan dahil sa kanyang dalang baril habang maglalakad sa kalsada.
Ayon sa report, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang Taguig Police nang mamataan ang suspek at nang hinanapan ng dokumento sa pagdadala ng baril ay walang naipakita kaya agad na siyang hinuli.
Sinampahan ng kasong paglabag sa R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition ang suspek habang nakakulong ngayon sa Taguig detention cell.