33.4 C
Manila
Saturday, January 25, 2025

Transgender timbog sa ‘sextortion’ sa QC 

NALAMBAT ng mga tauhan ng entrapment operation ang isang 21-anyos na transgender matapos ireklamo ng mga magulang na nabiktima ng “sextortion” na kung saan mga batang may special needs ang tinitira ng suspek, kamakalawa sa Ermita, Manila.

Nakilala ang suspek sa alyas  na “Ann Antukin” isang estudyante at residente ng Balong Bato, Quezon City.

Sa ulat ni Police Captain Marlon Flores, team leader ng Manila District Anti-Cybercrime Team (MDACT), bandang 11:09 ng umaga nang ikinasa ang entrapment sa loob ng mall sa Ermita matapos ang makatanggap ng reklamo mula sa ina ng isang biktima na minomolestiya umano ng suspek ang kanyang anak

Nakilala lamang ng biktima ang suspek sa isang online app at nagkaroon umano ng relasyon ang transgender at ang menor de edad na kung saan ay tinatakot ng suspek ang binatilyo na ilalabas ang kanilang mga larawan, particular na ang mga sensitibong larawan ng dalawa.

BASAHIN  Mag-asawang Villar, 60 iba pa kinasuhan dahil sa nawawalang creek sa Parañaque City

Nanghingi umano ng P10,000 ang suspek sa biktima at kung hindi ito maibibigay ay ipadadala ang mga sensitibong larawan ng biktima sa mga kaanak nito, kaya naman sa takot ng biktima ay nagagawa na nitong manguha ng pera sa wallet ng ina at nang madiskubre ang ginawang pagnanakaw ay dumulog na sila sa pulisya at doon na inireklamo ang suspek.

Desidido ang magulang ng biktima na kasuhan ang suspek dahil hindi umano nito inisip na may sakit ang biktima.

Sa ginawang entrapment operations, may dalang dalawang pirasong P1,000 na marked money ang biktima at nang lumapit na ang suspek ay doon na siya nalambat ng nakapaligid na pulis.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong swindling sa minor na nakapaloob sa Article 317 ng Revised Penal Code, as amended by Republic Act (RA) 10951 at nilabag din nito ang RA 7610, o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at ang RA 11930, o Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children and Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act, in relation to Section 6 ng RA 10175, o Cybercrime Prevention Act of 2012.

BASAHIN  Pulis hinuli ng kabarong MPD sa kasong homicide

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA