“Only P12,000? Oh no!”
Ito ang reaksyon ng ating mga kababayan sa pahayag ni NEDA Sec. Artemio Baliscan na
P12,000 lang ang threshold o pamantayan para hindi tawaging mahirap ang pamilyang Pilipino
na may limang miyembro.
Dagdag pa nila, hindi naman daw mukhang nagpapa-kengkoy ang NEDA o National Economic
and Development Authority chief nang sabihin niya ito kamakailan sa isang budget briefing sa
Senado, pero lubhang naka-iinsulto at nakatatawa ang datus na ito.
Ayon pa kay Baliskan, hindi tatawaging mahirap ang may buwanang kita na P12,000, at kapag
bumaba ito (ng piso), o P11,999, saka lang siya tatawaging mahirap,.
Sa budget hearing, sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na mas mababa pa
sa minimum wage (na P610 bawat araw) ang P12,000 na batayan para ang isang pamilyang
may limang miyembro ay tawaging hindi mahirap.
Sinabi ni Art Valdez, isang dating guro na mukhang nagkakaroon ng “hallucination” si
Baliscan, dahil ang akala niya ay taong 1965 ngayon, sabay bungisngis.
Dapat daw na gumawa nang paraan ang gobyerno para madagdagan ang sahod para
desenteng makapamuhay ang ating mga kababayan, pagtatapos ni Pimentel.