33.4 C
Manila
Saturday, July 12, 2025

AWOL na pulis, huli sa estafa

INARESTO ng mga tauhan ng National Capital Region Field Unit, Regional Special Operations Group, Regional Intelligence Division-NCRPO at Bacoor City Police Station ang isang absent without official leave (Awol) na pulis sa kasong estafa.

Inaresto sa bisa ng warrant of arrest ang awol na pulis na si Police Officer 3 Joebert Balisang, 50-anyos, residente ng Paladium St., Bacoor Cavite sa paglabag sa  Article 315 ng Revised Penal Code (RPC), o kasong Estafa na may kaukulang piyansa na P44,000.00 na inisyu  ni Judge Rowena Nieves A Tan, Presiding Judge, Regional Trial Court, National Capital Judicial Region, Branch 119 Pasay City.

Ayon sa report, nag-awol si Balisang dahil umano sa depression at marital problem na kung saan ay nalugi umano ang kanilang negosyo at nabaon sa utang at nagsampa ng kaso ang kanyang inutangan.

BASAHIN  Mahigit ₱2.5-M shabu, nasabat sa buy-bust operations sa Caloocan City

Kasalukuyang nakakulong si Balisang sa Custodial Facility ng Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

BASAHIN  179-M car plates, naka-tengga pa rin sa LTO

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA