Zero budget, para sa pambu-bully ng China – Zubiri

0

IPINAHAYAG ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi nila popondohan ang lahat ng
infrastructure projects ng China sa bansa.


Ayon sa Pangulo ng Senado, hindi alam ng taxpayers na pinopondohan nila ang ilegal na
pagsalakay at harassments ng China sa mga Pilipino sa West Philippine Sea (WPS). Ito ay
dahil sa nakuha ng China ang ilang malalaking proyektong pang-inprastruktura sa buong
bansa.


Ayon pa sa kanya, bukod sa boycott ng mga produktong gawang-China, dapat ding i-boycott
ang mga Chinese contractors na gumagawa ng proyekto sa bansa, gamit ang pera ng bayan.


“May mga project ang DPWH, ang mga kumpanya ay state-owned companies … pagmamay-
ari po ng Tsina mismo, ng gobyerno ng Tsina. Wala naman po silang ginagawa kundi mam-
bully lang nang mam-bully ng ating mga kababayan sa WPS, sa ating mga mangingisda,”
ayon pa kay Zubiri noong Huwebes.


“Eh ‘di bumawi na lang tayo. I-blacklist natin ‘yong mga kumpanyang ‘yon… Tapos ‘yong
income po niyan (sa infra projects) ay gagamitin po ng Tsina pambayad doon sa kanilang navy
at coast guard na nanghaharass po sa atin dito. Hindi po tama ‘yon,” paglilinaw ni Zubiri.


Dahil dito, nababahala ang ilang sektor na baka raw pauwiin ang 130,000 Overseas Filipino
Workers sa Hong Kong at ang mahigit 12,500 sa mainland China , bilang ganti sa atin.

About Author

Show comments

Exit mobile version