MAS maraming ospital at special centers ang itatayo sa buong bansa para matutukan ang
kalusugan ng mga Pilipino.
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Lunes, nang inspeksyunin niya ang
konstruksyon ng kauna-unahang regional Multi-Specialty Medical Center sa Clark Freeport Zone
sa Pampanga.
Sinabi ni Marcos sa kanyang speech na ang kanyang administrasyon ay determinadong magbigay
ng de-kalidad na serbisyong medikal sa mga Pilipino.
Ang Clark Multi-Specialty Medical Center ay magkakaroon ng world-class na pasilidad gaya ng
heart center, lung center, kidney center, oncology o cancer center, at pediatric hospital.
Inaasahang makikinabang dito ang mga residente ng Region 1, 2, 3 at maging mga taga-
National Capital Region.
Related Posts:
2 Pulis-QC, sinibak sa pwesto matapos madawit sa Ronaldo Valdez video
Siklistang Senadora nais ang maraming bike lanes sa Ph
Showbiz industry, nagluluksa sa pagpanaw ni Robert Arevalo
Pag-import ng poultry products mula Japan, ipinagbawal ng DA
Ospital para sa ‘modern heroes’, nais ni Rep. GMA
Angara sa mga kontra CSE: Bukas ang DepEd sa inyong mga mungkahi
Na-dismiss na pulis, dapat ibalik ang retirement pay – Tolentino
Puwersa ng EPD kasado na sa EDSA anniversary
About Author
Show
comments