Recto, bagong Finance Secretary

0

NAGKATOTOO na ang umuugong na bali-balita noong nakaraang taon na papalitan na si
Departent of Finance (DoF) Secretary Benjamin Diokno.


Nakatakdang manumpa ngayong araw, Enero 12, si House Deputy Speaker Ralph
Recto, bilang kapalit ni Diokno.


Bagamat wala pang opisyal na bahayag ang Presidential Communication Office (PCO)
tungkol dito,


Manunumpa umano ngayong Biyernes si Recto bilang bagong kalihim ng Department
of Finance (DOF), kapalit ni Benjamin Diokno.


Bagamat wala pang opisyal na pahayag tungkol dito, kinumpirma ng misis ni Recto na
si dating Rep. Vilma Santos-Recto na pormal nang itatalaga ito bilang bagong Finance
Chief ngayong Biyernes sa Malacañang.


Tungkol dito, masayang sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, “I
wholeheartedly welcome the appointment of our dear friend, Senator Ralph Recto, as
our new Finance Secretary.”


Ayon pa kay Zubiri, itinuturing ng mga senador si Recto bilang “resident number
genius” dahil mahusay ito sa numero pati na rin ang mahusay na pag-uugnay ng mga
numero sa reyalidad ng mga kaganapan sa bansa, partikular ang ating ekonomiya.


Malaki ang paniniwala si Zubiri na maiaususulong ni Recto ang mga kinakailangang
reporma para mapahusay ang ekonomiya ng Pilipinas.


Ayon naman kay Rep. Joey Salceda, House Committee on Ways and Means chair,
naging instrumento si Recto noong nasa House pa siya sa paglikha ng “1997
Comprehensive Tax Reform Program”.


Malaki ang tiwala ng mga Senador na magiging positibo ang impact ng tax reform
program ng bansa dahil sa pagkakatalaga kay Recto.

About Author

Show comments

Exit mobile version