33.4 C
Manila
Wednesday, June 26, 2024

HINDI pa tapos ang laban!

Ito marahil ang gustong iparating ng Makati sa Taguig City matapos barikadahan ng Makati
volunteers ang mga kalsadang papasok sa Pitogo High School, na ngayo’y bahagi ng Taguig.


Matatandaan na noong 2021 nagdesisyon na ang Korte Suprema (KS) na ang
pinagtatalunang 10 barangay ay bahagi talaga ng Taguig.


Ang mga ito ay Cembo, Comembo, East Rembo, South Cembo, West Rembo, Pembo, Pitogo,
Post Proper, Northside, Post Proper Southside, at Rizal. Kasama rito ang kampong Fort
Bonifacio at ang 240-ektaryang Bonifacio Global City.


Ayon sa Disyembre 1, 2021 desisyon ng KS, ideneklara nito na permanente ang “injunction”
na pumapabor sa Taguig, na ipinalabas ng Pasig City RTC noong 1994. Pinipigilan nito ang
Makati government na mamahala sa mga nabanggit na barangay.

BASAHIN  9 na barangay sa Maynila nakatanggap ng solid waste management tools mula sa MMDA; bagong warehouse sa Taguig, pinasinayaan


Samantala, kinondena ni Makati City Mayor Abby Binay ang pagtatangka ng Taguig na
kontrolin ang 14 na paaralan na ngayo’y bahagi na ng Taguig.


Sinabi ni Binay, “Mga kapwa ko Makatizen, hindi kami susuko… hanggang sa dulo, hindi ko
kayo iiwan.”


Ayon kay Makati City administrator Claro Certeza, na ang mga paaralang nais ilagay sa kontrol
ng Taguig – nang walang “writ of execution or legal order” ay nagpapalala ng tensyon sa lugar.


Idinagdag pa niya na ang sakop lamang ng KS order ay ang lupain, hindi ang mga gusali at
pasilidad na itinayo at ginastusan ng Makati.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA