AYON sa Department of National Defense (DND) ang bansa ay patuloy na naghahanda
sakaling matuloy ang digmaan sa pagitan ng China at Taiwan.
Ayon kay DND Sec. Gilberto Teodoro noong Huwebes, prayoridad ang kaligtasan ng
150,000 OFWs sa Taiwan, kaya kailangang maiuwi kaagad sila sakaling magka-digmaan.
Araw-araw daw ay patuloy na mino-monitor ng DND ang mga kaganapan doon at pinag-
aaralan ang posibilidad nang pagsalakay o invasion ng China anumang oras.
Sa isang interview sa CNN, sinabi ni Taiwan Foreign Minister Minister Joseph Wu na
mukha raw naghahanda ang China para maglunsad ng digmaan, dahil sa paulit-ulit na
military exercises nito sa kanluran ng bansa.
Nagbabala ang ilang observers na ang Pilipinas, bilang kaalyado ng Amerika, ay tutulong
sa Taiwan sakaling magkaroon ng digmaan. Pwede raw tayong maipit sa crossfire at ang
bansa mismo ay pwedeng maging target ng mga pag-atake mula sa China.
Nakadadagdag daw sa tensyon sa rehiyon ang pagdaragdag ng military projects sa apat
na EDCA sites sa bansa at pagbibigay sa US nang mas malawak na autonomy sa
paggamit nito.
Samantala, ayon sa isang political analyst, malabo ang prediksyon ng ilang observers na
ngayong Agosto lulusob ang China sa Taiwan, dahil dumanas nang malawakang pagbaha
pati na lindol ang malaking bahagi ng Northern China na nakaperhuwisyo sa mahigit 110
milyong populasyon nito.