Lupain ng AFP, balak ipa-renta ng Senado

Share

PINAG-AARALAN ng mga senador ang posibilidad na paupahan ang malalaking lupain ng Armed
Forces of the Philippines (AFP) para makalikom ng malaking halaga ang gobyerno, bilang
pambayad sa pensyon ng mga sundalo at pulis.


Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, masusi itong pinag-aaralan ng mga senador. Ang
malilikom na pera sa proyekto ay bukod o hiwalay sa mandatory five percent na kakaltasin sa
suweldo ng men in uniform.


Ayon kay Senador Jinggoy Estrada puwedeng pumasok sa isang lease contract o joint venture
agreement ang AFP sa mga korporasyon.


Ipinaliwanag ni Zubiri na nadoble na ang sahod ng mga sundalo at pulis sa ilalim ng
administrasyong Duterte, kaya hindi kalabisan na mag-ambag sila ngayon para mapondohan ang
kanilang pensyon.

BASAHIN  Rafah Crossing, hindi pa rin madaanan


“I think it’s just a matter kung gaano kaliit ang kaltas, kung gaano kalaki and of course kung
puwede nating i-utilize ang kanilang assets para madagdagan po ang pondo nito – parang kanilang version ng SSS,” paglilinaw ni Zubiri.

IBA PANG BALITA

Libreng ICT, AI training hatid ng TESDA at int’l partners

MAKAKATANGGAP na ng libreng online training sa digital, entrepreneurship at artificial intelligence (AI) ang mas maraming Pilipino hatid ng Technical Education and Skills Development...

‘Oplan Balik Eskuwela 2026’ kasado na, ayon kay Angara

KASADO na ang “Oplan Balik Eskuwela” (OBE) ngayong taon, ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara upang pabilisin ang proseso ng enrollment,...

Panukalang online voting ng Senado pinangangambahan ng House panel

NANGANGAMBA ngayon ang House prosecution team sa nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kaugnay sa panukala ng Senate majority na...

Online program para sa ‘early childhood care’ inilunsad ng TESDA

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang online program courses nito kaugnay sa Early Childhood Care and Development (ECCD) Services NC...

10 sasakyan nagkarambola sa Rizal, isa dedo 4 sugatan

SAMPUNG sasakyan ang nagkarambola sa nangyaring road crash incident sa kahabaan ng Mayon Avenue, Brgy. San Jose, sa bayan ng Rodriguez, alas-8 ng gabi...

Meralco nagbabala laban sa kumakalat na fake refund transfer sa e-wallet

NAGBABALA ang Manila Electric Company (Meralco) laban sa kumakalat na pekeng refund sa pamamagitan ng text messages na ipapadala umano sa e-wallet. Ayon sa ipinadalang...