33.4 C
Manila
Friday, November 15, 2024

Teachers, tatanggap ng P5,000 na pambili ng chalk

CHALK lang, P5,000 na?


Nakatakdang tumanggap ng P5,000 cash allowance ang mga guro sa pampublikong paaralan
sa Agosto 29. Tinawag lang itong “chalk allowance” pero magagamit sa pagbili ng teaching
supplies, pambayad sa internet, o para sa medical examination.


Ang mga bagong-talagang guro na magsisilbi sa loob ng 30 araw simula sa pagbubukas ng
klase ay makatatanggap din ng P5,000, ayon sa Department of Education (DepEd).


Ang enrolment sa 2023-2024 school year ay simula Agosto 7-26, ayon pa sa DepEd.


Ayon sa datus na nakalap ng Brabo News, umabot sa mahigit 27 milyon ang enrolment sa
pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas, noong nakaraang school year.
Inaasahang tataas ito ngayon.

BASAHIN  10 Pinoy indie films sa Cinemalaya 2023


Samantala, noong nakaraang Mayo, ipinasa ng Senado ang bill na magtataas ng cash
allowance ng mga pampublikong guro sa P7,500 ngayong darating na pasukan, at P10,000
bawat school year sa mga susunod na taon. Naka-pending pa sa Kongreso ang katulad na
panukalang batas.

BASAHIN  Dapat mas maraming ngipin ang MTRCB - Chiz

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA