POSIBLE umanong mga espiya ng China ang ilan sa 3,000 Chinese nationals na
nagtatrabaho sa reclamation project sa Manila Bay.
Inihayag ito ni ACT-CIS Rep. Raffy Tulfo matapos itong makatanggap ng ulat sa ginagawa
umanong pag-alis ng mga Chinese national sa kani-kanilang barko para gumala sa Metro
Manila at iba pang lugar pagkatapos ng trabaho.
Ayon pa kay Tulfo, nasa 100 Chinese vessels ang ginagamit sa reclamation project.
“But what is puzzling, and according to the Speaker (Ferdinand Martin Romualdez) last night
— kaya nga I’m calling this meeting — is that he’s wondering, sino ngayon ang nagbabantay
dito sa mga barko ng China na nandyan ngayon sa Manila Bay, because all of them are
Chinese vessels doing the dredging, doing the reclamation?” tanong ni Tulfo.
“As of last count almost 100 (barko) na sila d’yan, kung tig-30 katao ‘yan eh ‘di 3,000 na. The
Speaker is wondering who is watching these people, monitoring (them). Ito ba ay Coast Guard,
o Bureau of Immigration?” usisa ni Tulfo.
Pwede raw maging banta sa national security ng bansa ang Chinese nationals na bumababa
sa mga barko kapag gabi. “Paano kung members ito ng People’s Liberation Army? Papaano
kung members sila ng intelligence community ng China – gathering information, videos,
pictures, of vital installations, paano na lang?” pagdiriin ng mambabatas.
Ipinunto ni Tulfo na hindi dapat bumaba ng barko ang mga ito kung wala silang working visa.
Samantala, wala pang pahayag ang Department of Labor and Employment (DOLE) kung
nabigyan nga ng working visa ang sangkot na Chinese nationals.