33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Nagugutom, sumipa sa 10.4%

LABIS na tumaas ang bilang nga mga pamilyang Pilipino na nakaranas nang hindi
nagkukusang gutom dahil sa kakulangan ng pagkain.


Ito ay lumabas sa isang surbey kahit na nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na
tutuldukan na ng gobyerno ang gutom.


Lumabas ang impormasyong ito matapos ang survey ng Social Weather Stations (SWS) sa
1,500 respondents mula sa National Capital Region, Luzon, Visayas, at Mindanao bago
magtapos ang Hunyo.


Ginawa ang surbey ng face-to-face o harapang panayam magmula Hunyo 29 – Hulyo 1, 2023.
Ayon sa datus, napag-alaman na 10.4 percent ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng
involuntary hunger dahil wala silang makain. Nangyari ito nang minsan sa loob ng nakaraang
tatlong buwan.

BASAHIN  3 pagkaing Pinoy, pasok sa  Top 100 breakfast sa buong mundo


Mas mataas ang bilang na ito sa surbey kaysa sa 9.8 percent na naitala noong Marso 2023,
pero ito’y mas mababa kaysa 11.8 percent noong Disyembre ng nakaraang taon.


Ayon pa sa SWS, 8.3 percent ang dumanas ng “moderate hunger” na nakaranas ng gutom ng
isang beses lamang, samantalang 2.1 percent ang dumanas ng madalas na pagkagutom dahil
walang makain.


Ang naturang pag-aaral ay sariling inisyatiba ng SWS at hindi kinomisyon.


Samantala, noong Hulyo 18 lamang, o 17 araw matapos ang surbey nang masimula ang
Department of Social Welfare and Development ng pamamahagi ng food stamps na
naglalayung sugpuin ang gutom.

BASAHIN  PNP Chief Gen. Acorda, nagsampa ng reklamo laban sa vlogger na nagdawit sa kaniya sa isyu ng destabilisasyon

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA