GAWIN ang tama, huwag idaan sa lakas (ng loob) ang pag-responde sa problema sa West
Philippine Sea (WPS).
Ito ang rekomendasyon ni Senador Alan Peter Cayetano sa pamahalaan tungkol sa binabalak
na paghahain ng resolusyon sa United Nations General Assembly (UNGA) ng bansa sa
pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Idiniin pa ni Cayetano na mahalagang gumamit ng karunungan at malalim na pag-unawa sa
ating kasaysayan sa pagbuo ng istratehiya sa WPS.
Nilinaw ni Cayetano ang ilang mahahalagang punto sa kanyang pahayag matapos ang debate
sa Senado tungkol sa Senate Resolution 659 (SR 659). Inihain ni Sen. Risa Hontiveros ang
resolusyon noong Hulyo 26.
Layunin ng SR 659 na kumbinsihin ang ating gobyerno – sa pamamagitan ng Department of
Foreign Affairs – na maghain ng resolusyon sa UNGA para manawagan sa China na
permanente nang itigil ang harassment sa lahat ng mga sasakyang pandagat ng bansa sa
WPS.
Hindi raw isang senyales ng kahinaan ang pagpipigil sa sarili (ang hindi pagdala ng isyu sa
UNGA), bagkus ito’y tanda ng maturity.
Samantala, ayon kay National Security Adviser Eduardo Año, dapat daw pag-iisipan at pag-
usapang mabuti bago kumilos kung iaakyat nga sa UNGA ang isyu o hindi.