178 PRC ambulance, alerto sa pagsalubong sa Bagong Taon

Share

Nakaalerto simula kahapon, Disyembre 31, ang 178 na ambulansya at emergency personnel ng Philippine Red Cross (PRC) habang nagsisimula ang countdown sa 2024.


Sinabi ni PRC Chair Dick Gordon na manatiling maingat para maing ligtas ang pagsalubong sa Bagong Taon.


Ani Gordon, nakaposisyon daw ang 178 na ambulansya at emergency personnel ng Red Cross sa strategic na lugar para tiyakin na kaagad maibibigay ang agarang tulong-medikal kapag may mga nabiktima ng paputok, lasing na driver, at iba pang emergencies.


Inaasahan daw ng PRC na madaragdagan pa ang mahigit 115 na nabiktima ng paputok, kaya nila ginawa ang pagkilos na ito.

BASAHIN  PRC magpapadala ng 35 doktor sa Gaza


Mahalaga raw ang kaligtasan ng bawat isa, dagdag pa ni Gordon.


“Let us welcome 2024 with gratitude and optimism, and celebrate with discipline by avoiding risky ways of making the year=end like driving when intoxicated,” aniya pa.


Samantala, sinabi ng Department of Health (DoH) na dapat magsilbing aral sa mga bata, lalo na sa mga magulang ang sinapit ng isang apat-na-taong bata sa Central Luzon na naputulan ng limang daliri sa kanyang kanang kamay matapos sindihan ang paputok na “dart bomb” kahapon.


Nasa huli raw talaga ang pagsisisi, ayon kay DOH Undersecretary Eric Tayag.

IBA PANG BALITA

Ang Huling Sayaw: Isang Kuwento ng Pamilya Romanov ng Rusya

SA simula ng ika-20 siglo, ang Russia ay isang bansa na puno ng kontradiksyon. Sa isang dako, naroon ang maringal na Winter Palace sa...

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

1 Patay, 3 Sugatan sa pamamaril sa Valenzuela

Patay ang isang lalaki habang tatlong iba pa ang sugatan, kabilang ang magkapatid na suspek sa naganap na pamamaril sa Valenzuela City, Huwebes ng...