ISANG record-breaking na tagumpay ang naabot ng 305 estudyante ng University of the
Philippines (UP) Diliman, Quezon City, kamakailan.
Ayon sa datus ng UP Office of the University Registrar, halos kalahati sa 4,478 graduating students
ang magtatapos sa taong ito na may honors. Ito ay pinangungunahan ng 305 summa cum laude
(SCL) graduates, o iyong nakakuha ng grade na 1.20 pataas.
Samanatala mayroon namang 1,196 magna cum laude at 742 cum laude sa nasabing unibersidad.
Nahigitan nito ang 150 na SCL graduates noong 2022, 28 SCL noong 2020, at 55 noong 2019.
Sa unang semester ng Academic Year 2022-2023, umabot sa 27,400 ang kabuuang bilang ng mga
estudyante sa UP. Sa bilang na ito, 17, 085 ang undergraduates, 9, 147 kumukuha ng master’s at
doctorate degrees, at 1,168 ang kumukuha ng Juris Doctor degree.
Noong nakarang linggo, nagkaroon ng recognition rites para sa gradweyt ng bawat kurso.