BATANG-BATA raw at sariwang-sariwa ang bagong jowa ni Karla Estrada; mas bata pa kay Daniel?
Hindi po, mga ka-Brabo, fake news ‘yan. Ang ibig sabihin ni Karla, sa edukasyon, ‘Age doesn’t
matter’.
Congrats! Nagtapos si Karla ng B.S. in Office Administration sa PCU; 47 years old na siya nang naggradweyt. Sana daigin ni Daniel Padilla si Mom Karla at maka-gradweyt sa edad na 46 y.o. Tiyak, proudest mother si Karla.
Incidentally noong 1990s, kasama si Karla sa Chibugan Na (RPN-9) nina Rico J. Puno, Hajji
Alejandro, Michille Aldana, Chiqui Pineda, at Arnell Ignacio (na ngayo’y OWWA administrator).