140 UM Engineering students, ibinagsak ng 1 propesor; Hindi sila ga-gradweyt ngayong buwan

0

LUHAANG sumugod kahapon ang ilang magulang at bahagi ng 140 estudyante ng University of
Manila (UM) sa radio program ni Senador Raffy Tulfo dahil ibinagsak sila ng iisang propesor at
hindi na makaka-gradweyt ngayong Hulyo 31.


Sa programang Wanted sa Radyo ng senador, sinabi ng graduating students na nagbayad na sila ng P1,850 graduation fee at nagpa-graduation picture, pero ilang linggo lang bago mag-graduation nalaman nila na hindi pala sila makaka-graduate.


Ayon sa estudyanteng si Joanna Marie Obsina, noong Abril pa raw sila nag-exam pero nito
lamang July 16 nila na nalaman na bagsak sila, kaya hindi na sila nagkaroon nang pagkakataon na mag-summer classes.


“Nang kumuha kami ng evaluation noong May, dahil mai-expect naming na makukuha namin ang
grades namin nang maaga, pero noong May, ang inilagay nila (ng UM registrar’s office) na
“candidate for graduation”.


Napaiyak naman ang inang si Evangeline Gulisao dahil matagal na raw nilang inaasahan ang
graduation ng kanilang anak. Sinubukan nilang lumapit sa UM at sa propesor, pero hindi sila
kinausap. Kinalaunan, nalamang nilang nag-resign na sa UM ang hindi pinangalanang propesor.


Tinawagan din ng staff ni Sen. Tulfo at ng News5 ang UM pero hindi sila sinasagot nito.


Sa interview kay Commission on Higher Education CHEd Prospero de Vera III, sinabi niyang handa
ang kanyang tanggapan na mamagitan sa problema.


Ayon kay Lucino Soriano, dating instructor sa University of Rizal System, kung hindi
mapaninindigan ng propesor ang pagbagsak sa 140 graduating students at sa tila sinadyang delay
sa release ng grades, may posibilidad na maharap siya sa class suit pati na ang UM – criminal at civil cases na pwedeng i-file ng grupo.

Idinagdag pa ni Soriano na maraming mahuhusay na abogado ngayon ang pumapayag na maglingkod nang libre – hatian na lang sa danyos na masisingil. Ito’y kung alam ng abogado na malaki ang tsansang manalo ang kaso sa korte, kasama ang publicity na makukuha niya.

About Author

Show comments

Exit mobile version