Hindi nga ba kasal si Francis m kay Pia?

NAG-VIRAL ngayon sa social media ang lumang post noong 2015 ni showbiz writer Pilar
Mateo, dating publicist ng yumaong Francis Magalona ang picture nito kasama ang asawang si
Pia nang ikinasal sila sa Hong Kong.


Sa caption ni Pilar sa posted na larawan, “Wedding in Hong Kong of Francis Magalona and Pia.
Sinabi rin niya sa post na ang Francis-Pia wedding ay naganap daw noong July 14, 1995. Hindi
raw tama ang nakalagay sa Wikipedia na sila’y ikinasal noong 1985.


Pinasusungalingan ng post ni Pilar ang sinabi ng isang Robby Tarroza sa kanyang Facebook
page na hindi kasal sina Francis and Pia. Sinabi ni Pilar na naging eyewitness siya nang ikasal
sina Francis at Pia sa dating Crown Colony.


“Hindi ko alam kung ano bang sinasabi ni Robby na hindi sila kasal. Kung sa simbahan ba or sa
whatever. Basta ang alam ko, nagpunta kami ng Hong Kong, si Francis ang mismong nag-
asikaso no’n, kinasal sila sa Hong Kong in one of the court houses in Hong Kong. Kaya may
picture kami niyan,” saad ni Pilar.


Kung ang kasal sa Hong Kong ay valid din ba sa Pilipinas, hindi na rin daw inalam ni Pilar, ang
importante, may naganap na kasalan.


Samantala, sinabi ng isang legal researcher na legal sa bansa ang kasalang Francis-Pia kung ito
ay ginawa o solemnized ng isang pari, opisyal ng gobyerno, o taong binigyan ng lisensya ng
gobyerno sa Hong Kong para magsagawa ng kasal. Dahil ito’y ginanap sa isang Courthouse sa
Hong Kong, malaki ang posibilidad na ito’y legal at kinikilala sa bansa.


Kung tungkol naman sa relasyong Francis-Abegail Rait, hindi na raw publicist ni Francis si Pilar
noong mga panahong nasa Eat Bulaga na ang Master Rapper, kaya hindi niya ito alam noon.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...