No permit, no exam sa schools, balak ipagbawal

0

KAPAG naaprubahan na ang Senate Bill 1359 (SB 1359) o ang No Permit, No Exam (NPNE)
Prohibition Act, pwede nang mag-exam ang estudyante kahit hindi bayad ng kanyang tuition.


Sa isang open letter sa mga mambabatas, nakiusap ang malalaking grupo ng private schools sa
bansa na huwag nang ipasa ang SB 1359.


Ang sulat ay nilagdaan ng mga kinatawan ng Philippine Association of Colleges and Universities
(PACU), Association of Christian Schools, Colleges, and Universities (ACSCU), Catholic Educational
Association of the Philippines (CEAP), Philippine Association of Private Schools, Colleges, and
Universities (PAPSCU), at Unified TVET of the Philippines, Inc (UTVET).


Ayon sa liham, kapag hindi nakabayad ng tuition ang mga estudyante sa tamang oras, mauubos
ang kanilang pondo sa loob lamang ng dalawang buwan. Idinagdag pa nila na magreresulta ito sa
pagkawala ng trabaho ng mga guro at staff at tuluyan nang magsasara ang maraming private
schools kapag naisa-batas ang panukala.


Wala pang official statement si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri – ang pangunahing
awtor ng panukalang batas – tungkol sa sulat.

About Author

Show comments

Exit mobile version