33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Lea, ipinagtanggol ng friends, netizens

IPINAGTANGGOL ng mga kaibigan at netizens si Lea Salonga sa diumano’y katarayang ginawa nito sa ilang fans sa dressing room na nais mag-selfie kasama siya.


Ito ay nangyari kamakailan sa dressing room ng Broadway Theater sa pilot presentation ng Here
Lies Love musical.


Nag-viral kamakailan sa social media ang video nang pagtanggi ni Lea sa ilang fans sa pangunguna ni Christopher Carpilla na mag-selfie kasama ang Broadway star dahil “private space” daw ni Lea ito at wala sila sa guest list.


Ayon sa actress-businesswoman na si Neri Naig, very gracious daw si Lea sa treatment sa kanyang fans at basta nasa tamang lugar, pinagbibigyan ang lahat ng gustong mag-selfie kasama siya.


Idiniin ng isang Pinoy vlogger at ilang kaibigan ni Lea – na ayaw magpabanggit ng pangalan – na
kahit daw mahal ang ibinayad ng mga sangkot, hindi ito lisensya para gawin nila ang lahat nang
gusto nila maski sa pribadong lugar gaya ng dressing room. May tamang lugar daw para sa selfie.

BASAHIN  Trabaho dapat ilaan sa 10% na Katutubo


Dinilete na ni Carpilla ang kontrobersiyal na video pero hindi raw siya magso-sorry kay Lea.


Ayon sa isang post, kahit na pumayag later si Lea sa selfie, lumabas ang pagiging ingrato at very
low-IQ nitong si Carpilla dahil iginiit niya na ok lang ang invasion of security and privacy ni Lea;
hindi man lang siya nag-sorry sa kabastusang ito. Sa dami nila, sakaling sila’y may criminal mind,
pwede nilang pagtulungang bugbugin si Lea sa dressing room, dahil walang security doon.

Isa pa, nagsinungaling sila nang sabihing kilala nila ang show producer na si G. Toengi, kahit na itinanggi ito ni Toengi later. Preposterous ang social media narrative ni Carpilla after the incident, dahil hindi ganoon kababaw ang security protocol sa malalaking concerts, kahit grade two pupil, hindi paniniwalaan ito.


Ayon kay J.C. Vargas, isang security expert: Sa high-profile, high-security risks celebrities gaya ni
Lea, dapat istriktong ipatupad ang strict security protocol: bawal na bawal papasukin sa “private
space” ang kahit sino na wala sa guest list, except sa malapit na kakilala o kamag-anak ng
celebrity, pero kailangang muna ang patiunang pagsang-ayon ng celebrity.

BASAHIN  VP Duterte pinuri ang pamumuno ni Marcos, Jr.

Nabahala si Vargas sa insidente dahil marami sa Amerika ang mga sira-ulong basta na lamang
namamaril at pumapatay ng mga inosenteng tao, kahit walang dahilan.
Mga Ka-Brabo, ano ang opinyon n’yo?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA