33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Imbestigasyon vs D30, Bato ‘tuloy – ICC

IBINASURA ng Appeals Judges ng International Criminal Court (ICC) ang apela ng Pilipinas na
huwag nang ituloy ang imbestigasyon laban sa “war on drugs” ni dating Pangulong Duterte at
dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” de la Rosa.


Sa isang desisyon noong Hulyo 18 (petsa sa the Hague) ang pagbasura sa apela ng Pilipinas ay
magbubukas ng daan para maimbestigahan ang libo-libong napatay sa “war on drugs”, na
ibinibintang kina dating Pangulong Duterte at De la Rosa.


Sinabi ng pamilya ng mga biktima at ilang human rights group, na ang desisyong ito (ng ICC) ay isa pang hakbang patungo sa pagkakamit nila ng katarungan.

Napaluha ang mga pamilya ng mga naging biktima ng “war on drugs” matapos nilang mapanood
ang desisyon online. Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Kristina Conti na masaya raw sila at
ganoon di’y natatakot dahil sa mga hamon na kanilang haharapin.

BASAHIN  Setyembre: Buwan ng Pelikulang Pilipino - Jinggoy


Samantala, ayon kay Harry Roque, dating tagapagsalita ni Duterte, “Palaging ipinapaalala ni
Pangulong Duterte na ang Pilipinas ay isang malaya o sovereign state, tanging ang mga korte
lamang sa bansa ang pwedeng gumawa nang pagdinig sa kahit anong krimen na ginawa sa
bansa.”


Idiniin ni Roque na haharapin daw ng dating Pangulo ang lahat ng mga akusasyon sa kanya kahit
anong oras, basta ito ay sa ilalim lamang ng mga korte sa bansa.


Sinabi ni Roque na ang katarungan daw ay dito lang matatagpuan sa Pilipinas. Idinagdag pa niya
na tama ang Pre-Trial Chamber ng ICC na huwag nang ituloy ang imbestigasyon dahil “sayang lang ang oras at panahon kung hindi makikipag-tulungan ang Pilipinas”. Sa kabila nito, nagdesisyon pa rin ang Appeals Chamber sa pangunguna ni Judge Piotr Hofmanski na ituloy ang imbestigasyon.

BASAHIN  Matapos sipain ng Ombudsman, airport GM, kapit-tuko sa pwesto


Hinimok ni Roque ang mga pamilya ng biktima na mag-file ng kaso sa ating korte.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA