33.4 C
Manila
Wednesday, July 3, 2024

Richard, masaya kina Ruffa, Bistek

MASAYA daw si Richard Gutierrez na makitang masaya rin ang kanyang ate Ruffa Gutierrez, 49, sa
piling ni Herbert “Bistek” Bautista, 54, celebrity at dating mayor ng Quezon City.


Ito ang naging reaksyon ni Richard sa napabalitang relasyon nina Ruffa at Herbert, kahit hindi pa
niya ito nakukumpirma mula sa ate niya.


Ayon pa kay Richard, kung saan daw masaya ang ate niya, susuportahan niya. Kamakailan,
pormal daw na naipakilala ni Ruffa sa kanyang pamilya si Herbert.


Samantala, sa presscon ng The Iron Heart sa isang hotel sa Quezon City, sinabi ni Richard na
masaya siya sa piling ng kanyang asawa na si Sarah Lahbati at mga anak na sina Kai, 5, at Zion, 10.

BASAHIN  140-K residente, makikinabang sa ika-200 SM health center

Busy ngayon si Richard sa tapings ng The Iron Heart at todo-suporta raw ang kanyang pamilya sa
kanya.


Bongga talaga ang location shoot nila – sa Cebu, Iloilo, at pati na sa ilang bansa sa Europe.


Unang umere ang The Iron Heart noong Nobyembre 2022 at napapanood pa rin hanggang ngayon
sa TV5, at Kapamilya Channel, A2Z.

BASAHIN  Taas-presyo sa produktong petrolyo, kasado na sa huling linggo ng 2023

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA