BALAK ideklarang basketball month ang Abril ng bawat taon.
Ito ay isinusulong sa pangunguna nina Rep. Faustino Michael Carlos Dy, chair, Committee on Youth
and Sports Development, 19 th Congress, Rep. Richard I. Gomez, atbp. kongresista.
Ayon sa House Bill No. 8268 tatawagin ang buwan ng Abril bilang “National Basketball Month”.
Nilalayon ng panukalang batas na isulong ang kahalagahan ng physical activity sa pamamagitan nang paglalaro ng basketball at pagsasabuhay ng isang malusog na lifestyle.
Nilalayon din nito ang pagsusulong ng basketball sa lahat ng yunit ng gobyerno, mga paaralan, atbp.
sa pamamgitan nang pagsasagawa ng lokal at nasyunal na basketball competitions sa lahat ng
probinsya, lungsod, bayan at barangay, para makahanap ng mga bagong talento at mahuhusay na
kabataang manlalaro at mailayo ang kabataan sa masasamang bisyo.
Ayon pa sa HB 8268, mangunguna ang Philippine Sports Commission, Department of Education,
Commission on Higher Education, Department of Interior and Local Government, Games and
Amusements Board, at pribadong sports organizations sa bansa.