PAGMUMULTAHIN ng P500 o higit pa ang motorcycle riders na sisilong sa flyover o footbridge kapag umuulan o mainit ang araw, ito ang anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority
(MMDA) noong Miyerkules.
Ayon kay MMDA acting chair Romando Artes, magsisimulang ipatupad ang kautusan kapag
nakahanap ng ng alternatibong masisilungan ang ahensya.
“Obstruction, ang unang-una penalty diyan (ay) P500, so soon kung maayos po natin ang sistema
particularly sa mga gasoline stations I think we’ll strictly enforce na po ang pag-i-issue ng ticket sa mga mag–violate,” ayon kay Artes.
Ipinaliwanag ni Artes na nakikipag-usap na ang MMDA sa mga may-ari ng gasolinahan na lalagyan ng tent para sa motorcycle riders.
Mapanganib sa motorcycle riders at maging sa motorista ang pagsilong ng riders sa ilalim ng
footbridge at flyovers, pagdiriin ni Artes.