“We’re victims of our own success.”
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes dahil sa epekto sa lumalalang
kakulangan ng medical professionals sa Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo na dahil sa pagtugon natin sa kahilingan ng mga lider ng iba’t ibang bansa para sa ating healthcare workers, nagkaroon nang kakulangan ang bansa.
Sa isang pagpupulong sa US-based Business Executives for National Security, sinabi ni Marcos, “And so every leader I meet says ‘can we have more Filipino med techs (medical technicians), doctors, and nurses?’ So, we’re having a shortage here,” he added.
(“Kaya nga ang bawat lider na nakausap ko ay nagsabing ‘pwede bang magkaroon kami ng mas
maraming Filipino medical technicians, doctors at nurses?’ May kakulangan na kami rito,”
pagdaragdag pa niya.)
Sinabi ni Marcos na ang ating Department of Health (DOH) ay umaksyon na sa kakulangan ng health workers.
May deal ang DOH sa ibang bansa na tatanggap sa Filipino healthcare workers na
kailangang magsanay ng katulad na bilang ng healthcare workers na manantili sa bansa.
Hindi pa nilinaw kung sino ang sasagot sa mga gastusin sa pagsasanay at kung paano gagawin ito.