DAHIL sa inaasahang masamang epekto ng El Niño sa buong bansa, nanawagan ang National
Irrigation Administration (NIA) sa publiko na huwag magsayang ng bigas.
Idiniin ni Administrator Eduardo Guillen, National Irrigation Administration (NIA), na dapat
magsimula na raw tayong magtulungan sa pamamagitan nang pagtitipid sa paggamit ng bigas para ma-mitigate ang nakaambang hagupit ng El Niño sa bansa.
“Omorder na lamang ng half-rice kung hindi naman kayang ubusin ang isang takal”, dagdag pa ni
Guillen.
Hinikayat din ng NIA administrator ang lahat ng lokal na pamahalaan na dapat simulan na silang
magsagawa ng kinakailangang paghahanda upang mabawasan ang epekto ng matinding tagtuyot sa kani-kanilang nasasakupan.
Kasabay nito, hinikayat din ni Guillen ang mga lokal na pamahalaan na dapat magsagawa rin ng mga Humiling din si Guillen sa Department of Budget and Management (DBM) na dagdagan ang pondo ng ahensya para ma-repair ang mga nasirang irigasyon.