NAG-VIRAL sa social media kamakailan ang isang Filipina traveler na na-offload sa airport dahil hindi pinayagang makasakay, matapos hingan agad ng 10 birth certificates ng immigration officer.
Sinabi ni Ammie Liau, kamag-anak ng biktima na siyang gumastos para maka-biyahe sana sa Taiwan ang kanyang pinsan (na hindi pinangalanan) na nasayang lang ang P17 thousand na ginastos niya dahil sa iresponsableng immigration officer.
Ayon sa isang netizen, dapat daw na agad dalhin ang immigration officer sa “Mental” (National
Center for Mental Health) dahil nababaliw na raw ito at wala sa sariling katinuan. Idinagdag pa nito na sa buong mundo, maski sa Japan o USA never na manghingi ora mismo ng 10 birth certificates ang immigration officer para patunayan ang blood relations ng nag-imbita at inimbitahang traveler.
Pinayuhan ng netizens si Liau na himukin ang pinsan niya na kasuhan ng kriminal at administratibo ang immigration officer sa Office of the Ombudsman para mabawi ang P17 thousand at masuspindi ito sa trabaho.
Hindi kaya mag-plea ng insanity ang abogado ng immigration officer?
Wala pang reaksyon ang Bureau of Immigration sa viral issue na ito.