PINAGTIBAY NG Korte Suprema (KS) noong Miyerkules ang desisyon nito sa pagdedeklarang
“unconstitutional” ang 2005 na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas, China at Vietnam para sa oil exploration.
Ayon sa KS, nag-issue na ang Korte na bumale-wala sa motion for reconsideration sa kawalan ng merito dahil nasasangkot ang 140,000 square kilometers ng ating karagatan sa West Philippine Sea, na bahagi ng ating natural na yaman.
Sa botong 12-2-1 noong Enero 10, kinansela nito ang Tripartite Agreement of Joint Marine Seismic
Undertaking (JMSU) sa pagitan ng China National Offshore Oil Corporation (CNOOC), Vietnam Oil and Gas Corporation (PETROVIETNAM), at Philippine National Oil Company (PNOC).
Idiniin ng KS na illegal ang kasunduan dahil malinaw sa Saligang Batas na pagmamay-ari ng lahat ng kumpanya na sangkot sa ganitong proyekto ay dapat na majority share ay Pilipino.