PCUP, Mercury Drug sanib-puwersa para sa libreng gamot ng mga urban poor

0
Itinatampok sa kasunduan ang pangako ng Mercury Drug Foundation na pagbibigay ng libreng gamot sa ilalim ng Oplan Bigay Lunas para sa mga Service Caravan ng komisyon na nakatakdang magpatuloy ngayong taon.

UPANG makatulong sa pagpapaangat ng buhay ng maralitang sektor, lumagda sa isang kasunduan kapuwa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at Mercury Drug Foundation Inc. (MDFI) nitong nakaraang Marso lamang.

Nakasaad sa memorandum of understanding (MOU) na magbibigay ng libreng gamot ang MDFI sa ilalim ng ‘Oplan Bigay Lunas’ para sa mga Service Caravan ng PCUP na nakatakdang magpatuloy ngayong taon.

Mula 2019 hanggang 2022 ang mga service caravan ng komisyon ay nakatulong na sa humigit-kumulang 120,000 Pilipino sa buong bansa.

Sa pamamagitan nito at ng 4 Banner Programs ng PCUP, positibo si Undersecretary Elpidio R. Jordan, Jr. na maagap na maisasagawa ng komisyon ang mandato nito bilang suporta sa 8-point economic agenda ni Pangulong Bongbong Marcos at sa National Housing for Filipino Program (4PH) na inaasahang makapagpapatayo ng 6 million housing units para sa mga Pilipino.

Sa unang taon ng pag-upo sa puwesto, inihayag na Pangulong Marcos na isa sa mga proyekto niya ay ang makapagpatayo ng anim na milyong pabahayisang milyong bahay bawat taonbago matapos ang kaniyang 6-year term.

Ang nasabing paglagda ay dinaluhan nina PCUP Executive Assistant III, Evita Pearl Jamon; PCUP DMO III Yvelen Moraña; MDFI Executive Director Annie Fuentes; MDFI Program Manager Adette Dizon; MDFI Trustee Jess Mangrobang; at MDFI Trustee Alice Lumanog.

Mula noong 1986, ang PCUP ay ang direktang tagapag-ugnay sa pagitan ng mga maralitang taga-lungsod at ng pamahalaan sa paggawa ng mga polisiya at pagsasagawa ng mga programa laban sa kahirapan.

Ang komisyon ay may tungkulin din sa pagtatatag ng mga proyektong may kaugnayan sa asset reform, human development at basic social services, employment and livelihood, at iba pang programa ng gobyerno para sa sektor ng mga maralita.

Sa pamumuno ni Undersecretary Jordan, prayoridad ng komisyon ang pagbuo ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor upang makatulong sa at maging organisado sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga maralitang nasa lungsod.

Bago nito, nagkaroon din ng inisyal na pagpupulong ang komisyon ngayong 2023 kasama ang Philippine Red Cross; Department of Labor and Employment; POPCOM; Hope Foundation; at Ramon Aboitiz Foundation Inc. (RAFI).

Samantala, ang mga pribadong kumpanya at foundations na partners ng komisyon noong 2022 ay nasa proseso na ng pagbuo ng MOU para sa renewal.

About Author

Show comments

Exit mobile version