33.4 C
Manila
Friday, March 28, 2025

Ex-Senator OsmeƱa, pumanaw na

PUMANAW na si dating Senador John Henry “Sonny” OsmeƱa nitong Martes ng hapon, ayon sa
kanyang kapatid, Annie Osmena-Aboitiz.


Kinumpirma rin ni Ferliza Contratista, dating tauhan ni OsmeƱa noong siya ay mayor pa ng Toledo
City, ang pagpanaw ng 86-taong dating mambabatas.


Hindi sinabi ng pamilya OsmeƱa ang dahilan nang pagpanaw, pero sinabi nila na ang dating senador ay agad na-cremate ngayong araw.


Naging awardee si OsmeƱa bilang isa sa Ten Outstanding Young Men noong 1970. Isa rin siya sa mga malubhang nasugatan sa 1971 Plaza Miranda bombing. Naihalal siyang senador sa parehong taon.


Si OsmeƱa ang naging awtor ng Republic Act 7638, na lumikha sa Department of Energy. Nagsilbi
rin siyang mayor ng Toledo City magmula 2013 hanggang 2019.

BASAHIN  Belgica nanawagan ng Con-Con forum


Noong Hulyo 2022, inilahad ni OsmeƱa na nagkaroon siya ng Covid-19 pero gumaling.

BASAHIN  Ph nurses na nagtapos sa SUCs: Balik-trabaho sa bansa

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA