Ex-Senator Osmeña, pumanaw na

PUMANAW na si dating Senador John Henry “Sonny” Osmeña nitong Martes ng hapon, ayon sa
kanyang kapatid, Annie Osmena-Aboitiz.


Kinumpirma rin ni Ferliza Contratista, dating tauhan ni Osmeña noong siya ay mayor pa ng Toledo
City, ang pagpanaw ng 86-taong dating mambabatas.


Hindi sinabi ng pamilya Osmeña ang dahilan nang pagpanaw, pero sinabi nila na ang dating senador ay agad na-cremate ngayong araw.


Naging awardee si Osmeña bilang isa sa Ten Outstanding Young Men noong 1970. Isa rin siya sa mga malubhang nasugatan sa 1971 Plaza Miranda bombing. Naihalal siyang senador sa parehong taon.


Si Osmeña ang naging awtor ng Republic Act 7638, na lumikha sa Department of Energy. Nagsilbi
rin siyang mayor ng Toledo City magmula 2013 hanggang 2019.


Noong Hulyo 2022, inilahad ni Osmeña na nagkaroon siya ng Covid-19 pero gumaling.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...