33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Cainta LGU namigay ng fruit kiosk sa mga street vendors

LAKING pasasalamat ng ilang street vendors sa kakaibang aksyon na ginawa ng lokal na pamahalaan ng Cainta sa pamamagitan ng kanilang municipal administrator at dating alkalde na si Keith Nieto.

Sa halip kasi na palayasin o ipagtabuyan at kumpiskahin ang mga trisikad na may lamang mga prutas, binigyan pa sila ng lokal na pamahalaan ng pasadya o customized na fruit kiosk.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na kapag may isinasagawang clearing operations ang Metro Manila Development Authority o MMDA o kaya’y ang mga lokal na pamahalaan, karaniwan nang kinukumpiska nito ang mga kariton, trisikad o minivan na ginagamit ng mga vendors.

At maliban sa pangungumpiska, ipinagtatabuyan pa ng mga ito ang mga kawawang fruit stand vendors at iba pang nagtitinda dahil nga nakakaabala ang mga ito sa daloy ng trapiko at walang madaanan ang mga tao sa pedestrian lane.

Ikinagulat ng mga nitizen ang kakaibang pamamaraan ng dating alkalde ng Cainta na si Keith Nieto batay sa kaniyang Facebook post at naging usap-usapan na naman sa social media.

Sa nasabing post, sinabi ni Nieto na nadaanan aniya nila ang isang tumpok ng mga vendors sa overpass ng Karangalan at Vista Verde na nakakalat sa nasabing area.

BASAHIN  Dahil sa patuloy na blackout sa Panay: ₱1.5-B mawawala sa Iloilo

Idinagdag pa ng dating alkalde na nasa lapag lang aniya ang mga paninda at nakalupasay sa bangketa ang mga vendors para maghanap-buhay.

Sa panayam sa telepono ng BRABO News, sinabi ni Nieto na nakita niya ang kondisyon ng mga nagtitinda at kailangan na gawan niya ito ng aksyon.

“Nakita ko kasi ang kondisyon nila na magulo, tapos walang direksyon at walang kasiguruhan kung papaalisin sila o mawawala sa lugar tapos, at the same time alam ko na nandun sila kasi kailangan nilang mabuhay at kailangan nilang magtrabaho,” ang pahayag ng administrador.

“Naghahanap tayo ng compromise agreement o compromise settlement na yong situwasyon [ay] magiging win-win para sa magkabilang partido, sa gobyerno tsaka yong naghanap-buhay,” dagdag pa ni Nieto.

Ayon pa sa dating alkalde, nakuha niya ang ganitong ideya nang siya ay bumiyahe sa ibang bansa, partikular na sa South Korea kung saan nakita niya na ang mga side walk vendors doon ay may kahalintulad na stalls.

BASAHIN  Transport strike tagumpay, ayon sa Piston; MMDA ‘di sang-ayon

Kinunan niya di-umano ito ng litrato at sinabing ia-adopt niya ang nasabing paraan upang maging legal na rin ang kanilang pagtitinda ngunit hindi nakakaabala.

Ngunit binigyang-diin ni Nieto na depende aniya sa situwasyon ang pagpapahiram niya ng mga kiosk. Aniya, kung masiyado namang masikip ang kalsada at makakaabala o wala namang pupuntang mga mamimili sa isang partikular na lugar ay hindi angkop ang nasabing proyekto.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA