33.4 C
Manila
Saturday, June 29, 2024

General Estomo out, General Okubo in

OPISYAL nang umupo bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Police Major General Edgar Alan Okubo kapalit ng classmate nito na si Police Major General Jonnel Estomo, sa isinagawang change of command ceremony sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kahapon, Pebrero 23.

Itinalaga naman ni PNP Chief General Rodolfo Azurin, Jr. si Estomo bilang Deputy Chief for Operations kapalit ni Lieutenant General Benjamin Santos na itinalaga naman sa Office of the Chief PNP.

Ang promotion na ito kay Estomo ay magpapangyaring pangatlo na ito sa puwesto at magbibigay daan sa kaniya bilang isa ng Lieutenant General na may three-star na ranggo.

Pinasalamatan ng Chief PNP si Estomo sa ipinakitang dedikasyon nito sa serbisyo at pinahalagahan ang naging kontribusyon nito sa pambansang pulisya. Umaasa rin si Azurin na ipagpapatuloy ni Okubo ang mataas na pamantayan sa serbisyo, integridad at propesyonalismo.

“Buo ang tiwala ko sa iyong kakayahan at angking galing sa pamumuno. Tatanggapin mo ngayon ang pangangasiwa sa isang organisasyon na may mataas na pamantayan ng propesyonalsimo, at alam kong ipagpapatuloy mo ito habang ikaw ang nangunguna sa NCRPO,” pahayag ni Azurin.

BASAHIN  Taguig LGU at NCRPO magkatuwang sa public service

Binigyang diin naman ni Okubo ang kahalagahan ng NCRPO sa pambansang organisasyon ng PNP dahil kung ano aniya ang ‘mukha’ ng pulisya sa Metro Manila, ay magiging ‘mukha’ na rin ng PNP sa kabuuan.

“Kung bigo ang PNP sa National Capital Region, kung gayon, sa paningin ng mga Pilipino bigo na rin ang PNP sa kabuuan. Masasabi kong ang NCRPO ang nagsasalamin sa buong PNP dahil narito ang sentro ng ekonomiya, laman ng balita at ang pagharap sa halos lahat ng kriminal na mga gawain,’ sabi ni Okubo.

Idinagdag pa ni Okubo na ipagpapatuloy niya ang programa ng NCRPO na Kasimbayanan o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na programa ng PNP sa layuning ilapit ang pulisya sa mga komunidad.

BASAHIN  Kotongerong MMDA enforcer, tiklo sa entrapment ops

“Hangad ko na ang ating mga tauhan sa NCRPO ay bababa sa mga komunidad at isagawa ang pagpapaigting ng programa ng pulisya sa mga barangay. Dadalhin natin ang pulisya sa gitna mismo ng komunidad, hindi yong komunidad pa ang maghahanap kung nasaan ang mga pulis,” giit pa ni Okubo.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA