33.4 C
Manila
Friday, January 24, 2025

Apela ng Comelec sa PNP: Kalusin na lahat ng private armed groups

UMAPELA si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia kay Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na kalusin na ang mga private armed groups sa bansa na nagdudulot ng takot sa mga tao at marami ang naibubuwis na buhay tuwing may halalan.

Ito ang paki-usap ni Garcia sa PNP sa ginanap na “The Agenda” media forum sa Club Filipino, sa Greenhills, San Juan City kahapon ng umaga, bago magsimula ang halalan sa May 12, 2025.

Batay sa huling datus, 716 ang naitalang insidente may kinalaman sa halalan noong 2022 lalo na sa mga rural areas sa bansa.

Sinabi ni Garcia na ang mga private armed groups na sa ilalim ng kontrol ng mga pulitiko ay ang pangunahing dahilan kung bakit nagdudulot ng karahasan at pangamba sa mga botante.

Maliban sa karahasan, ayon pa kay Garcia, ang pagbenta at pagbili ng mga boto ay nagiging talamak na rin tuwing sasapit ang eleksyon.

BASAHIN  Disqualification cases, tutuldukan na – COMELEC

“Vote buying, vote buying, vote buying is the cancer of the society,” ang pahayag ni Garcia.

Ayon pa kay Garcia, kung hahayaan na lang ng mga botante na ipagbili ang kanilang boto, walang pakialam ang taong iyon sa hinaharap niya sampu ng kaniyang mga kapamilya at nayan.

Kung hahayaan na lang ng mga botante, ayon pa kay Garcia, na bilhin ng mga pulitiko ang kanilang mgha boto, babawiin lamang ng isang pulitikong nanalo ang kaniyang mga ginastos sa kampaniya.

Binabalanse ito ng Comelec, ayon pa kay Garcia, dahil ayon sa kanilang patakaran sa loob ng ahensya, na umiral ang walang-dungis at may degnidad nilang paglilingkod sa mga botante.

Nakiusap din ang hepe ng Comelec sa mga kandidato na maging tapat at dapat na sundin ang kanilang pinirmahan sa isang peace covenant kasama na ang kanilang mga ka-partidong kandidato ganun din ang kanilang mga katunggali.

Napansin din ni Garcia na minsan ay ginagamit umano ng mga kandidato ang mga bata sa pangangampanya ganun din sa pamimigay ng campaign materials.

BASAHIN  COMELEC, Kakasuhan ang mga Guro, Pulis na hindi naglingkod sa BSKE

Kasama ang PNP, maglalabas muli ng klasipikasyon para sa mga election hot spot kung saan ang kulay “red,” “orange,” at “green” ang gagamitin ng ahensya.

Kasabay nito, iniutos na ng Comelec na imbestigahan ang di-umano’y “flying voters’ sa Cabanatuan City.

“Bumoto nang tama huwag iboto ang may tama,” pagtatapos ni Garcia.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA