Binata pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Pasig

Share

ISANG 29-anyos na binata ang pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilang suspek habang ito ay nagbi-bisikleta sa kahabaan ng Luis Street sa Barangay San Miguel.

Ayon sa ulat ni PCapt. Richard Tomas, Commander ng Sub-station 6 kay PCol. Hendrix Mangaldan, Chief of Police ng Pasig City, dakong alas-11 kaninang umaga nangyari ang nasabing insidente.

Kinilala ang biktima na si Julius Gutierrez, jobless, walang asawa, at nakatira sa Arboleda Compound, Brgy. San Miguel habang tinutugis pa ang mga suspek.

Ayon sa mga nakasaksi, habang binabagtas ng biktima ang nasabing kalsada ay sinusundan umano ito ng mga suspek at kaagad na pinagbabaril ang binata.

BASAHIN  2 Lalaking Chinese national  tiklo sa pagdukot sa babaeng Taiwanese

Kaagad namang isinugod sa Pasig City General Hospital (PCGH) ang duguang biktima at binigyan ng paunang lunas.

Ayon sa attending physician na si Dr. Audrey Balad, nasa stable condition na ang biktima ngunit kinailangan pa umanong operahan si Gutierrez sa likod ng kanang balikat nito na tinamaan ng bala.

Sinabi naman ni PCapt. Jean Aguada, tagapagsalita ng Pasig PNP, kasalukuyan pa nilang inaalam ang motibo ng nasabing pamamaril.

IBA PANG BALITA

TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI)...

Pinoy na jobless bumaba sa 2.58M nitong Marso 2026

NITONG nakaraang buwan ng Marso 2026, ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay nasa 2.58 milyon, mas mababa sa 2.66 milyon noong...

‘Training-to-Trabaho’ caravan ng TESDA patok sa Cebu

MAY kabuuang 811 Cebuanos ang naserbisyuhan ng Technical Education and Skills Development (TESDA) sa pamamagitan ng Kayang Kaya All-in-One Caravan na ginanap sa SM...

DWWW’s George Castro: Oldies but Goldies

WEIRDO! Ito ang tawag ng kanyang friends sa isang teenage fan ni George Castro, DJ ng DWWW, dahil mahilig itong makinig ng oldies but goldies...

Panibagong usapang pangkapayapaan sa NPA, ekis kay Teodoro

WALANG negosasyong magaganap sa isinusulong na panibagong usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at New Peoples Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro...

Dahil sa Laguna jeepney accident, kailangan talaga ang PUVM—LTO

DALAWA ang namatay at 15 ang nasaktan sa isang jeepney na nawalan ng preno sa Nagcarlan, Laguna kamakailan. Pinatutunayan lamang nito na talagang kailangang natin...