33.4 C
Manila
Friday, May 16, 2025

Mahigit ₱2.5-M shabu, nasabat sa buy-bust operations sa Caloocan City

Nakumpiska ng mga miyembro ng Northern Police District (NPD) ang mahigit ₱2.5 milyon halaga ng shabu mula sa tatlong suspek sa dalawang buy-bust operations sa Caloocan City.

Kinilala ng Caloocan City Police Station ang unang naarestong suspek na si alyas “Jun-Jun”, 43-anyos, residente ng 6th Avenue, 3rd St., Grace Park.

Isang entrapment operation ang ikinasa ng mga otoridad laban sa suspek bandang alas-9:08 ng gabi noong Pebrero 5.

Nakuha mula kay alyas “Jun-Jun”, ang nasa 310 gramo ng shabu na may standard drug price value na ₱2,108,000, buy bust money, itim na bag, plastic envelope at isang motorsiklo.

Sa isa pang operasyon na isinagawa ng mga otoridad noong Pebrero 6 sa 1st Avenue, Barangay 120, naaresto naman ang mga suspek na sina alyas “Wakwak,” 59-anyos, at alyas “Jeff,” 28-anyos, kapwa residente ng lungsod.

BASAHIN  Wanted  na rider na nagtago sa murder, nasakote

Narekober sa mga ito ang 72.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱492,320, at ang marked money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

BASAHIN  NBI, pasok sa paluwagan scam sa Pasig

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA