33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

King Charles, may cancer; Susunod na raw kay Princess Diana?

INIANUNSYO ng Buckingham Palace nitong Pebrero 5 na may cancer si King Charles III ng
England.


Naging hari si Charles, matapos mamatay ang kanyang inang si Queen Elizabeth II,
noong Setyembre 8, 2022, sa edad na 96.


Marami ang nagbibigay ng espekulasyon na itinatago diumano ng Palasyo ang tunay na
kalagayan ng Hari, at maaari raw na malala na ang cancer nito at nasa terminal stage na.
Nang sumailalim si Charles isang hospital procedure dahil sa benign prostate
enlargement “a separate issue of concern was noted”.


Sa serye ng diagnostic tests napag-alaman mayroon siyang isang uri ng cancer. Pero
hindi sinabi ng Palasyo kung anong uri ng cancer ito at kung anong stage na.

BASAHIN  Pinoy seafarers, ligtas sa Houthi missile attacks


Nananatiling positibo raw ang Hari at inaasahan niyang makababalik na muli ito sa
kanyang trabaho sa pinakamadaling panahon na posible. Ito’y taliwas sa payo ng
kanyang mga doktor na magpahinga muna siya.


Sina King Charles, edad 75, at ang nasawing asawa na si Princess Diana (1961-1997) ay
may dalawang anak, sina Prince William at Prince Harry.

Nagbabalak daw na bisitahin ni Harry, bunsong anak, ang kanyang ama sa mga susunod
na araw. Siya ngayon ay nasa California kasama ang kanyang pamilya matapos nilang
bitiwan —kasama ang kanyang misis na si Markle – ang kanilang royal duties o
obligasyon sa Monarkiya noong Pebrero 2021.

BASAHIN  Handa ka na ba kapag dumating ang di-maiiwasang kalamidad?

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA