33.4 C
Manila
Sunday, July 13, 2025

Nasunog na junkshop, nandamay pa ng 7 bahay sa Antipolo

SUGATAN ang isang bumbero matapos manguna sa pag-apula ng apoy makaraang masunog ang isang junk shop at nadamay ang pitong katabing bahay nitong Lunes ng umaga sa Maria Corazon Phase 3, Barangay Bagong Nayon, Antipolo City.

Sa report mula sa Antipolo Bureau of Fire Protection (BFP), nagtamo ng galos sa katawan ang kanilang bumbero nang rumesponde ito sa sunog bandang alas-5 Lunes ng umaga at nasa maayos naman ang lagay makaraang mahulog sa tinutuntungang kahoy.

Ayon kay BFP Antipolo Operations Chief Fire Senior Officer 3 Lecerio Duenas, nagsimula ang sunog sa isang junk shop at dahil imbakan ng mga kalakal ang nasunog ay maraming karton at light materials ang madaling naabo.

BASAHIN  Deliberasyon sa P2.385-B badyet ng OVP, tepok

Nadamay din ang mga katabing bahay sa sunog na kung saan nasa pitong pamilya ang apektado ngayon at dinala sa evacuation center.

Bandang 6:00 ng umaga nang ideklarang fire out na ang lugar habang iniimbestigahan pa ang pinagmulan ng sunog na tinatayang nasa ₱600-K aabot ang pinsala

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa sunog at nasa pangangalaga ngayon ng barangay ang mga biktima.

Samantala, nagdulot ng pansamantlang pagbagal ng trapiko sa Marcos Highway dahil sa naganap na sunog. 

BASAHIN  Forest fire, pumigil sa turismo sa Itogon

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA