33.4 C
Manila
Friday, November 22, 2024

State-of-the-art PH nursing Schools:CHED, Nangangarap lang?

NAKIKIPAG-NEGOSASYON ngayon ang Commission on Higher Education (CHEd) sa mga bansang
maraming nagtatrabahong Filipino nurses at iba pang health workers.


Sinabi ni CHEd chair Prospero de Vera III na nakikipag-ugnayan ngayon ang kanyang ahensya sa mga naturang bansa para makapagbigay ng technical assistance sa mga pamantasan at kolehiyo na may nursing program.

Ito ay bilang kapalit ng benepisyo na natatanggap nila sa paglilingkod ng ating health
workers.


“They should provide foreign assistance by making our schools and hospitals’ training facilities state-of-the-art,” dagdag pa ni De Vera.


Ayon sa ilang observers, diumano, tila nangangarap lang si De Vera, dahil malayong maging state-of-the-art ang ating nursing schools, dahil kailangang ang milyon-milyong dolyar para maging number one sa buong mundo ang naturang mga paaralan. Maaari raw tumulong ang foreign countries, pero hindi nito uubusin ang kanilang pondo para maging state-of-the-art ang sa atin, samantalang mapag-iiwanan ang sa kanila.

BASAHIN  SUCs: Itigil na ang pagtanggap ng Sr. HS – CHEd


Ayon kay De Vera, lumagda na raw ng kasunduan ang bansa sa Austria para sa technical assistance, hindi lamang sa pagbibigay ng scholarship kundi maging sa pagpapahusay ng teaching facilities sa nursing schools sa bansa.


Idinnin ni De Vera na Malaki raw ang problema sa bansa sa mga pasilidad ng nursing schools, dahil sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya. Maaaring ang ginagamit na materyales sa pagtuturo ay medyo napag-iwanan na.

Wala raw tayo ng ganung teknolohiya, kaya nakiusap siya na tulugan tayo para
mapahusay ang kasanayan ng ating nurses at makapagbigay nang mas mahusay na paglilingkod sa kanila.


Samantala, nag-uusap ngayon ang mga pamantasan sa Pilipinas at Canada para makagawa ng
magkatulad na nursing curriculum.


“The objective here is to continue producing world-class nurses who can practice their profession
anywhere. And the only way to do that is to make sure that our curriculum is international,” dagdag pa ng hepe ng CHEd.

BASAHIN  University of Manila: Todas lahat nang kumakalaban! – Tulfo


Pinag-aaralan din ng Komisyon na paikliin ang master’s degree program para sa nursing para
masolusyunan ang kakulangan ng guro sa ating nursing schools. Plano ng CHEd na maisagawa ito bago matapos ang taon.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA