IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Hunyo 28, Miyerkules bilang national holiday dahil sa paggunita sa Eid’l Adha.
Ito ang nilalaman ng Proclamation No. 258 na nilagdaan ng Pangulo noong Hunyo 13 at isina-publiko ng Malacañang sa araw na ito.
Nilagdaan ni Marcos ang memorandum, base sa rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos, na sumusunod sa 1444 Hijrah Islamic Lunar Calendar.
Ang Eid’l Adha, o “Feast of Sacrifice,” ay isa sa dalawang pinakamahalagang kapistahan na ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo.