33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Ex-cop na nanutok sa siklista, pinakakasuhan ng DILG

Hindi rin natutuwa si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr., sa inasal ng dating pulis na nanutok ng Glock 17 pistol sa isang siklista kaya sinabi nito na dapat sampahan ng kasong kriminal.

“For the sake of a peaceful and orderly society, we cannot allow a culture of impunity. We cannot allow bullies to just go around intimidating people with deadly weapons. There must be consequences here,” ayon kay Abalos.

Binigyang-diin ni Abalos, maaari pa ring magsampa ng kasong kriminal kahit na tumangging magreklamo ang biktima kaban sa maangas na KIA driver na si Wilfredo Gonzales.

Nilinaw naman ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Sec. Vigor Mendoza II na hindi pag-aari ni Gonzales ang pulang sedan na sangkot sa insidente ng road rage na may plakang ULQ 802 ay iisyuhan na ng Show Cause Order at nakatakdang ipatawag sa LTO sa Agosto 31.

BASAHIN  Paskong-Pasko na sa Muntinlupa – Biazon

Maging si Quezon City Police District chief Brig. Gen. Nicolas Torre III ay hindi rin kumbinsido sa inasal ng suspek sa ginawang pananakit at panunutok ng baril sa isang siklista noong August 8 sa Welcome Rotonda, Quezon City.

Kusa mang sumuko si Gonzales pero idiin naman na ang siklista ang may kasalanan at pinagbayad pa ng P500 para sa danyos dahil nagasgasan umano ang sasakyan na isang malaki mali ayon kay Raymond Fortun na isa ring siklista.

Nag-utos naman si Quezon City Mayor Joy Belmonte na imbestigahan ang kaso dahil hindi niya kinukunsinti ang panunutok ng baril.

Tiyak na madidikdik sa kaso ang maangas na driver. 

BASAHIN  389 Marikeños, nakinabang sa libreng TDC

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA